
Paano ba maging Hero?
Kailangan mo bang maging isang mahusay na lider o magsulat ng nobelang magbibigay-inspirasyon sa isang rebolusyon? Dapat ka bang mamatay muna para sa iyong bayan?
Lahat tayo ay maaaring maging hero. Kailangan lang natin ng lakas ng loob para harapin ang anumang problemang dumadating. Tatag para hindi sumuko sa harap ng pagsubok. Puso para tumulong sa ating kapwa.
Basahin ang mga kwento ng homegrown heroes galing sa Cavite at Laguna—ordinaryong mga tao na dumaan sa matinding pagsubok at nagpursigi para gumawa ng katangi-tanging mga bagay sa gitna ng pandemya. Hayaang buksan ng MPT South road network ang daan para makilala ninyo ang iba pang pang araw-araw na bayani tulad nila.
Sana ay makapagbigay inspirasyon sa inyo ang mga kwento nila.
Mary Mae Dacanay – Leaf Artist (Biñan, Laguna)

Nawalan man ako ng trabaho dahil sa pandemya, naging daan naman ito para mas makilala ko ang sarili ko. Yung mga hindi ko nagagawa dati, nagagawa ko na ngayon. Halimbawa, mas napagtuunan ko ng pansin ang art. Nung una, gusto ko sanang bumili ng art supplies, pero dahil sa lockdown, nahirapan akong gawin ito. Kaya sinubukan kong gumamit ng mga dahon para gumawa ng portraits at iba pang illustrations. Hindi ko ine-expect na magvi-viral ang photos ng artworks ko. Biglang may mga nag-o-order na ng art pieces from me. Yung dating favorite pasttime ko lang, naging source of income ko na.
Syempre maraming challenges ngayong pandemya, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Mas na-a-appreciate ko na rin yung oras na nakakasama ko ang pamilya ko. Sila ang nagiging inspirasyon ko, ang nagpapalakas ng loob ko sa araw-araw.
Sino ba ang mga bayani ngayong pandemya? Para sa akin, kabilang dito ang ating nurses at doctors na hanggang ngayon ay lumalaban para sa ating kapakanan. Paano natin sila matutulungan? Sumunod tayo sa mga patakaran para makaiwas tayo sa sakit. At patuloy tayong magdasal, kasi ang Diyos lang ang tunay na may hawak ng ating mga buhay.
January 2022
February 2022
March 2022
April 2022
May 2022
June 2022
July 2022
August 2022
September 2022
October 2022
November 2022
December 2022

