
Maribel Boado
Tindera ng Mani (Dasmariñas, Cavite)
11 years na akong peanut vendor sa Dasmariñas City, Cavite. May apat kaming anak ng mister ko: dalawang nasa kolehiyo at dalawang nasa elementarya. Masasabi kong malaki talaga ang naitulong ng pagtitinda ko ng mani para matustusan ang mga pangagailangan ng aming pamilya, pati na rin ang pag-aaral ng mga anak namin.
Nang magkapandemya, napakalaking pagsubok talaga na hindi ako makapagtinda kasi bawal, tapos umaasa lang kami sa ayuda ng barangay. Kaya kahit delikado, bumalik ako sa pagtitinda nang pinayagan na ulit lumabas ang mga tao. Syempre sinisigurado kong sumunod sa health protocols ng aming siyudad.
Kailangan kong manatiling matatag at manalangin lagi para patuloy akong makapagtinda ng mani kahit may pandemya. Hindi puwedeng maniin lang ang trabahong tulad nito. Hindi puwedeng tumigil ang buhay. Kahit mahirap, kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko.