Homegrown Heroes: April 2022

Pilar Sarinas

Tindera ng gulay (Imus, Cavite)

Isa akong bagong high school graduate ng Alternative Learning System (ALS). Nang nagkapandemya, inalala ko kung matatapos ko ba ang aking pag-aaral. 67 years old na kasi ako at walang alam sa distance learning. Pero sa tulong at suporta ng dalawa kong anak na guro, nairaos ko ang pag-aaral ko. Napatunayan ko sa sarili ko na kahit pala may edad na ako, hindi imposibleng makatapos ako ng high school.

Ngayon, patuloy akong nagtitinda ng pagkain sa aming barangay. Kahit bawal lumabas ang mga senior, nanghingi ako ng pahintulot na makapaglako ng mga paninda gamit ang aking kariton. Nagpapautang rin ako ng pang-araw-araw na pagkain sa mga nawalan ng trabaho. Naisip ko, kung hindi ko sila pauutangin, paano naman ang pamilya nila? Kaya nilalakasan ko ang aking loob. Alam kong hindi ako pababayaan ng Panginoon dahil naghahanapbuhay ako hindi lamang para sa pamilya ko kundi para rin sa ibang tao.

%d bloggers like this: