Homegrown Heroes: September 2022

Arvin Teus

CALAX ALPR Checker (General Trias, Cavite)

Hindi biro ang dinanas ng pamilya ko dahil sa pandemya. Hindi lang kami hirap bumili ng aming basic needs. Mas nahirapan din akong magkaroon ng access sa transportasyon dahil isa akong PWD. Kaya naman nagpapasalamat ako sa shuttle service ng aming kompanya dahil kahit paano ay nababawasan ang hirap ng magko-commute ko.

Mapalad ako dahil may trabaho pa rin ako bilang isang CALAX toll specialist. Mahirap magkasakit sa panahong ito, lalo na sa nature of work ko na kailangang humarap sa ibang tao. Kaya nagpapasalamat ako sa aming kompanyang nag-aalaga sa amin, lalo na sa panahong tulad nito.

Maingat kong sinusunod ang aming company protocols para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Hindi lang ito para sa akin, kundi para rin sa mga mahal ko sa buhay at mga kasamahan sa trabaho.