
Vanessa Quillopas
Toll Teller, CAVITEX (Kawit, Cavite)
Bilang breadwinner, napakahirap para sa akin ang pandemyang ito. May mga nagkasakit na di ko inaasahan. Bukod dito, nasunog pa ang bahay namin. Wala halos natira, kahit yung sari-sari store na pinagkukuhanan namin ng dagdag na panggastos. Dumating sa punto na halos kainin na ako ng problema kasi wala na akong ma-provide sa pamilya ko.
Pero sinabi ko sa sarili ko, kaya ko ito. Walang ibang gagalaw para sa akin kundi ako. At malaki ang naitulong ng trabaho ko bilang CAVITEX toll associate para magawa ko ito. Marami akong naging responsibilidad, tulad ng pag-duty sa cash lane at pag-encode ng OAR ng Easytrip. Nang na-assign akong team leader, mas nahubog ang kakayahan kong makipag-usap sa mga tao. Natutunan kong mag-multitasking at maging efficient sa aking tasks. Tinulungan ako ng aming kompanya na lumago bilang tao kahit may may imperfections ako bilang empleyado.

