Homegrown Heroes: June 2022

Martin Naling

Spoken Word Artist (Imus, Cavite)

Noong nagsimula ang pandemya, mas lumaki ang gastusin ng aming pamilya. Bukod sa pagmahal ng mga bilihin, kailangan din namin bumili ng maintenance medicine ni Tatay. Matanda na kasi siya’t may sakit. Kaya nagdodoble kayod talaga ako sa pagiging delivery rider. Kung dati, limang oras lang ako sa biyahe sa isang araw, ngayon labindalawang oras na.

Dahil flexible time ang aking trabaho, sinasabay ko na rin ang pag-aaral ko rito. Minsan, kahit nasa kalsada ako, umaattend ako ng online classes. Nang may nag-post ng picture kong umaattend ng online class sa tabi ng kalsada, hindi ko alam na magvi-viral ito. Pero masaya akong makita na maraming na-inspire dahil dito. May nagbigay din ng laptop para makatulong sa online classes ko, kaya naman malaking blessing ito para sa akin.

Kahit mahirap, hindi ko puwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Pangarap kong makapagtapos sa pag-aaral at makaahon sa hirap kasama ng aking pamilya.