Homegrown Heroes: November 2022

Gabriel Furaque

Toll Specialist, CALAX (San Pedro, Laguna)

Bilang CALAX toll specialist, isa ako sa frontliners ngayong pandemya. Dahil gusto kong mag-doble ingat, araw-araw akong nagbibisikleta nang higit isang oras para pumasok sa trabaho kahit may company shuttle kami. Kahit mahirap, nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makapaglingkod sa panahong ito.

Nag-iingat talaga ako tuwing may duty ako. Naging routine ko na ang pagsa-sanitize bago umuwi mula CALAX at pagsa-sanitize ulit bago ako pumasok sa aming bahay. Ayoko kasing makapag-uwi ng virus sa pamilya ko. Sila talaga ang inspirasyon ko kaya ako nagsisikap sa aking trabaho.