
Edelyn Wakat
Electrical Engineer, Project Mgt. Dept. (Pasay, Metro Manila)
I’m a project engineer for CAVITEX and C5. Kasama sa responsibilities ko ang pag-monitor at pag-supervise ng contractors. Challenging ang trabahong ito: There’s always a possibility ma-expose ko ang aking community sa Covid-19 virus. Pero patuloy akong pumapasok at nagpupursigi sa aking trabaho kahit delikado, dahil alam kong mahalaga ang ginagampanan kong tungkulin sa paggawa ng daan.
Matinding culture shock ang dinala ng bagong health restrictions ngayong pandemic, lalo na sa aming Indigenous Community. Marami sa aming cultural practices ang ipinagbabawal ngayon. Halimbawa, hindi kami makapag-celebrate ng Kanyaw, o yung pagdiriwang ng aming ani. Isa pa, dahil karamihan sa aming community ay mga magsasaka, naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa limitasyon ng access sa mga mamimili.
Tinuruan ako ng pandemic na i-appreciate ang lahat ng meron ako. Natuto kami ng aking pamilya na maging mas creative, resourceful, at empathic. Ang community namin, patuloy lang ang efforts na mag-adjust sa pandemic, sa tulong ng aming LGU. And seeing my community strive, naging isa itong malaking encouragement para sa akin.

