Top 3 Unforgettable Horror Stories

by Sharmaine D. Paglinawan, NOVEMBER 2021

Halloween, contraction of All Hallows’ Eve, a holiday observed on October 31, the evening before All Saints’ (or All Hallows’) Day. Halloween had its origins in the festival of Samhain in which it is believed that souls of those who had died return to visit their homes.[1]

Scary experiences can happen any time of the year but they are most talked about during the Halloween season. It is the time that people enjoy and look forward to hearing creepy stories. Here are some of the most unforgettable horror stories that we have gathered through Southloop.

Di sya nakakatakot na kwento pero ang creepy lang ng pangyayaring ito

Isa ito sa pangyayari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan, 15 years old ako nung nahulog ako ng puno, mga 2nd floor ang taas ng hinulugan ko at una pang bumagsak ang kanang kamay ko. Nung malapit na ko sa lupa naramdaman ko nalang na parang huminto ako saglit bago ako nahulog sa lupa di ko nakita ang paghinto ko kasi habang nahuhulog ako nakapikit ako, naramdaman ko nalang nasa lupa na ko. Ang nakakapagtaka walang bali ang ang kanang kamay ko at hindi ako nagkaroon ng anumang galos. Chineck ako agad ng magulang ng kasama kong bata yung kamay at katawan ko kung may bali, ngunit sabi wala naman daw akong bali, nasabi nya rin na baka raw hindi ako nasaktan kasi ang tatamaan kong lupa ay bahay ng dwende o punso kung tawagin. Mula noon lagi nalang may tumutulong sa akin kapag may mangyayaring masama sa akin tulad nalang ng muntik na akong masagasaan ng Bus nung college kasi habang ako ay patawid naramdaman ko nalang na may tumulak sa akin pabalik at saktong daan ng mablis na bus sa harapan ko.

*Totoo pong kwento ito, di po sya gawa gawa*

-Engelbert L. Perdigon, Toll Operations

2018 nang Nag Start ako magwork sa Isang kilalang Grocery, 7pm nang nagbibilang ako ng Items sa Stockroom, maingay ako sa stockroom dahil nababagsak ko ung mga naka Box na Product. Paguwe ko ng bahay, nag ayus agad ako ng sarili para makatulog na, bandang madaling araw ay may 3 babae na walang mukha na nag lalakad sa pader sa bandang uluhan ko , hindi ako makagalaw at hindi ako makapag salita, 4am nang nagising ako at naisip na panaginip lang yun. Pag pasok ko sa Work ay nag bilang ulit ako ng stocks sa Stockroom, gaya nang una ay maingay paren ako nagbibilang at nag aayus ng Stocks ng biglang bumagsak yung isang box, inisip ko nalang na baka hindi maayus yung pag kakalagay ko, inayus ko ito bago ako bumaba, tapos nang ako’y pababa na ng hagdan ay may bumagsak nanaman na Box, pero hindi ko na ito binalikan dahil iba na yung pakiramdam ko. Nang ako’y umuwe, nag pahinga at nagayus agad ako para makatulog na, madaling araw nang makita ko ulit ang 3 babae na walang mukha, nakatayo sila sa tabi ng higaan ko hindi ako makagalaw hindi ko matanggal yung paningin ko sakanila, nagising ako ng madaling araw ng pawis na pawis, kinabukasan pag pasok ko sa work, nabanggit ko yun saakin katrabaho, sinabi nila saakin na next time wag nalang ako mag iingay sa stockroom dahil baka nagagalit yung mga dating nakalibing duon, sinabi nya saakin nuong 1980’s daw ay dating Simenteryo yung mismong pinagtatayuan ng Grocery, yung ibang nakalibing ay di na nalipat ng Puntod dahil hindi na binalikan ng Kamag Anak nila, simula nuon nag papaalam ako at nag dadasal muna bago umakyat ng Stockroom.

-Lendle D. Bautista, Toll Operations

Last Year during pandemic.

Pauwe na ako galing Work dahil mahigpit pa nga non ang transpo kaya nagbabike ako galing work. siguro nasa 11:30pm ata na non.

Habang nagbabike ako sa may Rosario Laguna madilim ang daan non kung kayat dahan dahan lang ang pagpajak ko sa kabilang side may napansin akong may nakaupo sa ilalim ng puno sa left side ng gatter habang nagbabike pa ko. syempre mejo natakot na ko non malayo palang. Nung tumingin uli ako biglang nawala yung tao don sa may ilalim ng puno so meno nataranta na ko at nagmamadali ng magbike sa sobrang madali ko nakita ko nasa may harap kona yung tao sa puno isang matandang babae at binati pa ako ng “Toy” sobrang napasigaw ako non sa sobrang takot ko diko na pinansin yung matanda at dali daling binilisan ang pagbabike. Takot na takot ako non nung gabing yon.

-Gabriel M. Furaque, Toll Operations

Reference: [1] https://www.britannica.com/topic/Halloween

<Previous

Next>

____________________________

About the writer:

Sharmaine D. Pinagliwana. Psychology graduate from Cavite State University. Cat and dog lover. Terrible dancer who memorizes Eminem’s rap songs.

%d bloggers like this: