Pahinga

Hindi ko mawari kung bakit
Mga ngiti mong mapanakit
Kahit ano pa ang bumalakid
Ang siya pa ding hahanap-hanapin

Sa ilalim ng malamlam na ilaw
Tanging ikaw lang ang matatanaw
Na kahit sa ilalim ng tirik na araw
Ako'y hindi mo matanaw-tanaw

Ikaw ang dahilan ng sakit at pait
Ngunit hindi pa din ipagpapalit
Walang sinuman ang makapapawi
Dahil ikaw lang ang nais kong pumawi

Hindi ko mawari kung...
nawalan na lang ako ng pakiramdam
O mas pinili ko na lang na...
huwag na lang maramdaman.
Dahil ikaw ang s'yang pahinga.
Photo by Rakicevic Nenad on Pexels.com

<Previous

Next>

_________________________

About the writer:

Likha ng isang MPT South employee who wants to remain anonymous.

%d bloggers like this: