by Jomina D. Saflor, AUGUST 2022
Tuwing buwan ng Agosto natin ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Layunin nitong palaguin, pagtibayin at maipalaganap ang kamalayan sa pag gamit at kahalagahan ng Wikang Filipino.
Masidhing mithiin at matinding pagsisikap upang bumuo ng isang pambansang wika na siyang magbubuklod sa buong bansa ay nagsimula noong 1935 sa panahon ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Noong Hulyo 4,1946, naiproklama at pinakilala bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nag-umpisa sa Linggo ng Wika kung saan si dating Pangulong Sergio Osmeña ang nagdeklara na ginaganap tuwing ika-7 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril upang itapat sa selebrasyon ng kaarawan ng manunulat at makatang si Francisco Balagtas. Sa ilalim ng pamumuno naman ni dating Pangulong Ramon Magaysay ito ay naging ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril sa taong 1954, at ika-13 ng Agosto noon taong 1955. Sa taong 1997, sa pamumuno ni Pangulong Fidel V. Ramos idineklara ang buong buwan ng Agosto para sa selebrasayon ng Wikang Filipino sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041.
Mula sa maikling pagbabalik ng kasaysayang ng ating Wikang Pambansa narito ang ilan sa mga karaniwang pagkakamali sa pag gamit ng ating Wikang Filipino upang maipalaganap ang kamalayan sa pag gamit nito. (mula sa vlog ni Kara David, “Commonly Misused Filipino Words” )
______________________________
About the writers:

Jomina D. Saflor. Mina is currently working under the QSCE Department of PMD-CALAX. She is a cheerful young lady from Cavite and would like to regain her passion for writing.