Maging Handa sa Oras ng Sakuna

by Leziel G. Bandiola, EB Lorenzo B. Lusica, and Bubot V. Sueta, JULY 2021

Ang bansang Pilipinas, ay isa sa sampung bansa na parating binibisita ng mga natural hazards na kasama sa climate change. Kasama rin tayo sa sampung bansa na parating naapektuhan ng mga disaster.

Para mas lalo nating maintindihan, ito ang mga uri ng sakuna na nararanasan natin sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

  1. Buhawi (Tornadoes)
  2. Bagyo (Severe Storms)
  3. Pagbaha (Flood)
  4. Paglindol (Earthquakes)
  5. Tagtuyot (Drought)

“Ang kahalagahan ng Disaster Risk Reduction or pagbabawas sa epekto ng mga kalamidad ay nag sisimula sa tamang kaalaman lalong lalo na sa tinatawag na “Understanding Risk”.  Kailangan mapag-aralan at gawin ito ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang malaman kung ano ang mga posibleng epekto na pwedeng maidulot ng mga bantang panganib or natural hazards at kung ano ang pwedeng gawin upang ito ay mabantayan para makapag bigay pa tayo ng paalala basi sa tamang forecast or prediction. Maliban pa dito, kailangan natin malaman kung ano ang mga panganib na maidudulot ng iba’t ibang epekto o proseso nito. Mapa weather, climate events or geological events.”

Dr. Renato U. Solidum, Jr. – Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation OIC, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Ayun sa ating mga eksperto, walang nakakaalam kung ano o kailan pwede mangyari ang mga natural na sakuna. Ang mga instrumento at pag-aaral na ginagamit ng mga eksperto ay para lamang masukat ang lakas ngunit wala silang sapat na instrumento upang malaman ang mismong araw or oras ng mga ito. Pinag aaralan lamang nila ang mga natala na datus basi sa mga kaganapan na nangyari sa ating bansa.

Kaya pinapaalalahanan tayo ng mga eksperto na huwag basta-basta maniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon kung may darating na sakuna, katulad ng “The Big One” at iba pa. Kahit ang ating mga eksperto ay kaya lamang mag-bigay ng estimahe ng oras o araw base sa instrumento na kanilang ginagamit dahil hindi natin alam at kaya pigilan ang mga sakuna sa ating bansa at ang kaya lamang natin ay maging handa sa oras na dumating ito.

Dagdag pa nito, ay ang mga bagay na dapat natin gawin upang maging laging handa.

  1. Emergency Supply Kit
  • Mag tabi ng mga kagamitan medikal at mga pagkain base sa bilang ng tao o pamilya na sapat para sa tatlong araw
  • Ilagay ito sa waterproof na bag
  • Laging tingnan ang bisa ng mga gamit lalong lalo na ang pagkain at gamot

2. Pangalagaan ang inyong bahay at opisina

  • Sa oras ng sakuna, panatilihin ang mga linya ng kuminikasyon na bukas
  • Siguraduhin ang mga pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad ay nakapatay lalo na kung baha or may lindol para hindi simulan ng anumang uri ng apoy, pagkasunog o pagkakuryente.
  • Kung maaari, lahat ng mabibigat na gamit ay ilagay sa sahig upang walang mga bagay na pedeng mahulog sa ulo at siguraduhin din na ang mga cabinet ay hindi basta basta pwedeng mahulog sa tao lalo na kung may mga nangyayaring pag yanig sa lugar.

3. Pag planuhan kung pano tumugon habang at pagkatapos ng natural na sakuna

  • Alamin ang maaring maging panganib sa inyong lugar
  • Ipaalam sa pamilya o kaupisina ang mga peligro na pwedeng mangyari
  • Subukan ang mga plano na inyong naisip at gumawa ng mga kahalintulad na eksena o pangyayari
  • Makilahok sa mga Emergency and Safety Drills na meron ang inyong lugar upang maging pamilyar sa actual na pangyayari

“Tandaan natin na ang tamang pamamahala, kahandaan, kaalaman at pag tutulungan sa sakuna at pandemya ay kalasag ng bayan. Be safe, be informed, be ready and we will be resilient.”

Dr. Renato U. Solidum, Jr. – Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation OIC, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

<Previous

Next>

_____________________________

About the writers:

Leziel G. Bandiola. On the job with ISO 9001 Quality Management System for more than five years and counting. Since I transferred here in MPTS I have been exposed to Environment, Safety and Health. I have been with the newsletter team for more than a year now, a lot of lesson was learned and more exciting facts to unveiled as I work with this growing team.<3

Bubot V. Sueta. Environment Safety and Health Specialist, father of three beautiful children, a loving and faithful husband…. Graduated in Centro Escolar University with a degree of Bachelor of Arts in Mass Communication Major in Broadcast. A Safety Officer for 10 years. Safety at work and home are his priorities. Ensures that the Project Site are free from hazards, all workers at site are knowledgeable on their activity and have a core value of safety awareness. The goal is to deliver the project on time with Quality and most importantly with ZERO Loss Time Incident.

EB Lorenzo B. Lusica. An Engineering graduate with a job as Safety Officer. Determined and resolute in everything he does — achieve a safe work environment and ensures compliance to environment, safety and health standards. Monitors various safety risk and hazards within the workplace to mitigate personnel harm and/or injuries. Furthermore, prevents the organization from litigation due to poor environment, safety and health practices or policies. Share a common objective of completing a project on time, safely and in good quality.

%d bloggers like this: