Homegrown Heroes: May 2022

April Espartero

Toll Teller, CALAX (GMA, Cavite)

Wala akong kasama ngayong pandemya kasi nasa iba-ibang lugar ang pamilya ko. At dahil buntis ako, isang pagsubok talaga sa akin ang pagpasok sa trabaho, kasi wala akong masakyan papuntang pickup point. Buti na lang nagkaroon ng door-to-door pickup ang aming kompanya.

Napakahalaga para sa akin na manatiling ligtas habang nasa pandemya, lalo na’t may baby na ako ngayon. Siya talaga ang motibasyon ko para patuloy na magsikap at magtrabaho. Doble ingat ako sa sarili ko, kahit ako lang ang on-duty sa CALAX Laguna Technopark toll plaza, kung saan ako naka-assign. Pero nagpapasalamat talaga ako na may trabaho pa rin ako. Kaya naman patuloy kong tinutulungan ang lahat ng motorista na may tanong tungkol sa Easytrip RFID system namin.

%d bloggers like this: