Homegrown Heroes: December 2022

Tatay Pedro

Salt Farmer (Kawit, Cavite)

Mahigit isang dekada na akong umaani ng asin sa irasan, o salt farm, sa Kawit, Cavite. Nakakapagod ang aking trabaho—buong araw akong nasa irasan para sumalok ng tubig alat at magpatuyo ng asin. Dahil sa pandemya, may mga panahong wala akong benta dahil wala masyadong bumibili ng naaani kong asin. Hindi rin ako puwede masyadong lumabas-labas ng bahay dahil 70 years old na ako. Kapag ganito, tinutulungan ako ng manugang at pamilya ko sa pang-araw-araw kong gastusin.

Sa panahon natin ngayon, dapat lagi tayong mag-ingat. Kung puwede, magpa-vaccine tayo. Hindi natin masasabi ang buhay. Ang magagawa lang natin, mabuhay nang maayos sa abot ng ating makakaya.